[Flash 9 is required to listen to audio.] Adik Sa’yo Cover by Riz <3
Adik sa’yo, awit sa akin
Bilang sawa na saking mga kwentong marathon
Tungkol sayo at sa ligayang iyong hatid
Sa aking buhay tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw
Sa umaga’t, sa gabi, sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap hanap kita 2x
Sa isip at paniginip, bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap hanap kita 2x
Sabik sayo kahit maghapon na tayong magkasama
Parang telesine
Ang ating ending, hatid sa bahay nyo
Sabay goodnight, sabay may kiss, sabay bye-bye
Sa school, sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap hanap kita 2x
At kahit pa magkaanak kayo’t magkatuluyan balang araw
Hahanap hanapin ka 2x
Papagawain ko pa sya ng marami. <3
Ang haba naman nitong si Inuyasha. Seven seasons, 167 episodes. Nasaan ako? Nasa season 1, episode 15. HAHA. 152 episodes pa. Punyetaaaa.
Ang cool manuod ng Tatlong Taong Walang Diyos. Puro sinaunang Majayjay yung nakikita ko. Ganun pala ang hitsura. Amazing. Tapos yung tita ko napa-extra pa nung baby pa sya. HAHAHA. Goleng.
Ikaw ang hinahabol o ikaw ang naghahabol?Tinanong kami ng guy friend ko na kasama din sa swimming kung anong mas gusto namin: Kami ang hinahabol? O kami ang naghahabol? Pareho kami ng sagot nung kasama kong tinanong din - KAMI ANG NAGHAHABOL. Ang sabi nya, para daw may thrill. Kung sya yung hinahabol, hindi daw sya makakapamili ng maayos. HAHAHA
Pero sabi ni guy friend, mas magandang ikaw yung hinahabol kasi alam mo kung sino yung nagmamahal sayo. Pag ikaw daw yung naghahabol, wala kang kasiguraduhan na mahal ka nga ng taong hinahabol mo. May point sya. For me naman, mas gusto kong ako ang naghahabol kasi nakukulitan ako sa mga taong naghahabol sa akin. Yes. May mga taong naghahabol sa akin. HAHA. Tsaka para may thrill. May possibility na magustuhan ka ng taong hinahabol mo kung ipapakita mo sa kanya kung gaano mo sya ka-gusto. Parang Miho-Dae Wong lang. <3 Pero sa girls, medyo pangit tingnan yun. Sakto lang dapat. Tamang habol lang.
Bakit nya natanong yun? Kasi may naghahabol daw sa kanyang girl pero ayaw nya. Kahit anong pilit nyang palayuin sya, aba’y linta lang kung kumapit. Pareho sila. Gusto nilang sila ang naghahabol. Tulad kaming lahat.
Ang gulo. Hahaha. Ikaw? Saang side ka?
Kunyari, meron akong boyfriend na let’s say, 10 years nang kami. Syempre, sa puso’t isip namin, parang sure na kami na yung magkakatuluyan. Na kami na yung para sa isa’t isa. Na alam naming ikakasal kami at magiging mag-asawa. Na alam nyang magpapakasal ako sa kanya anytime, anywhere. Kahit expected na ganun ang mangyayari, gusto ko parin na mag-propose sa akin si boyfriend. Yung nasa bonggang set-up kami, weird man o romantic, tapos luluhod sya sa harap ko, magsasabi ng sweet things tapos susuutan ako ng singsing. <3 Titingnan ko lang ang feeling kung masu-surprise ba ako o hindi. Pero siguro masu-surprise ako kasi though understood nang magpapakasal kami, gagawa pa rin sya ng effort para patunayan na ako talaga yung babaeng gusto nyang pakasalan at makasama habangbuhay. Sweet. <3
Villa Sylvia Resort | Nagcarlan, Laguna | May 20-21, 2012 (Part 2)
Dito kami pumunta dahil sa slide. :P Ang sarap sarap. Sobrang cute nina Leo at boyps Riz. Hahahaha
Villa Sylvia Resort | Nagcarlan, Laguna | May 20-21, 2012 (Part 1)
Swimming na namaaaaaan. :)
From three, naging 12 kami. Mabuti na lang sumama sila kasi kung hindi, medyo masaya lang since tatlo lang dapat talaga kaming magsi-swimming.
Hindi ko malilimutan ang outing na ito dahil dito ko unang na-experience ang itlog na pula + kamatis. Hindi ako kumain. sapilitan akong pinakain bilang parusa sa batch game namin named ka-ko-wasa. HAHAHA. Hindi asarap yung itlog at kamatis. Pwe. :| Pero maswerte parin ako dahil kadiri talaga yung parusa nung iba (eg. juice + paminta, tinapay + powdered cofee + sili + kamatis, toyo + jiuce). HAHAHA Thrilling na sobrang nakakatawa. Ang saya!
And shower. If you know what I mean. <3
Goodmorniiiiiing! May bago akong kalaro. Si Kylie. Ang cute cute nya. :)
Ang sarap sa feeling kapag napapatawa mo yung mga ganitong bata. Tapos masakit na sa ulo siguro kapag madami na sila. Haha.
Majayjay Falls. Isa lang yan sa mga ipinagmamalaki ng bayan namin. Actually, tubig nalang ang maipagmamalaki namin dahil naiiwan na kami ng mga katabing bayan namin like Liliw, Nagcarlan, Sta. Cruz, at Lucban.
Recently, may lumitaw na groups sa FB - GISING MAJAYJAY. Palaging may nagpo-post dun about sa kontrata na ibebenta daw sa mga kabilang bayan ang tubig dito sa Majayjay after 100 years. Hindi ko lang pinansin kasi parang chismis lang ang dating sa akin. Tapos kani-kanina lang, nabalitaan kong may magaganap na rally dito bukas para i-oppose ang nasabing kontrata. Ang daming nag-iingay through their statuses. Na-intriga ako kaya binisita ko yung Gising Majayjay group. mas maingay doon. Tapos andami nilang pinapakitang documents and shit na tungkol dun sa kontrata. At sobrang nakaka-alarma sya kahit after 100 years pa naman ang epekto nun.
Syempre para sa akin, AYOKO. Ang gagago naman ng mga nasa pwesto. Sila lang ba gagamit ng tubig? They should’ve at least asked the residents about this issue. Tsaka hellooooo!Tubig na lang ang putanginang natitira sa Majayjay, pagbebenta pa nila. Kahit buto nalang ako after 100 years, hindi pa rin ako papayag na ibenta sa ibang bayan yung tubig. Shunga ba sila? Lalo na yang pasimunong mayor na yan, wala pa ngang nagagawang maganda, mamemerwisyo pa ng mga taong hinahawakan nya.
Goodluck sa mga magra-rally bukas. Hindi ako ma-rally na tao. Hindi nga ako sumasama sa mga rally sa eLBi eh. Okay na yung aware ako at alam ko kung ano yung ipinaglalaban ko.
Goodluck lalo sa bullshit na mayor namin.
themed by
coryjohnny | powered by
tumblr.